May 4th, 2007

madz et al festival series

The Philippine American Life and General Insurance Company and
The Philippine Madrigal Singers present Madz Et Al Festival Series 2007
A Celebration of Filipino Choral Artistry
May 1-6,2007

Infant Jesus Academy, Maryknoll Sanctuary Choir of Baguio, Lifeline Chorale, Adventist University of the Philippines Voice of Indonesia, Pag-ibig Fund Chorale, NAPOCOR Chorale, Pangkat Maharlika, Adventist University of the Philippines Celestial Echoes, Caltex Chorale, University of the East Chorale, Ateneo College Glee Club, Ateneo Chamber Singers, Kilyawan Boys Choir and many more..

Jon Lumba, Jose Solidum Jr, Warlito Yalung, Fred de Santos, Anna Abeleda- Piquero, Ed Nepomuceno, Oscar Pantaleon, Alfred Samonte, Jonathan Velasco, Malou Hermo, Mark Anthony Carpio...et al. haha

MAY 1, 2007
Jubilate Deo Choir Anniversary

who i'm with:ate joan, my mom, bea, bea's mom, kuya doyle, ate sheila & kuya jojo's family.

we watched the concert and then we had a ten minute break. joan was a hungry beast and so we went to Mc Donald's. i watched her eat ..fastforward! oh great. too late. i wasn't able to watch the AUPVI sing Seasons of Love..

after the show, we ate at chowking cuz mc donald's s a bit crowded and smelly. haha! then, we walked along roxas blvd. went hotel hopping! took pictures.. went to baywalk after, let kuya doyle reminisce but won't let him jump down the bay. niuk. kidding.

niuk was bea's favorite expression. niuk niuk niuk niuk to BEA! haha niuk niuk niuk niuk is not love.

Hahaha.thanks so much choirmates! i had a great time. I LOVE YOU!! HAPPY ANNIVERSARY!!!!

 


May 2, 2007

I watched Madz Et Al Festival again. This time with my cousin. It was great, just like yesterday's show.

Ate Sheila, thank you so much for the tickets!

BIG NEWS: I ALMOST DIED.

translation: MUNTIK NA AKO MAKASAGASA NG KOTSE ^_^ hehe

pag nasira yung kotse, kasalanan ko 

ugh. i won't forget that friggin guy.

my cousin: "munitk ka na masagasaan"

friggin guy: "MUNTIK NA TALAGA!! haha" *laughs out loud*

whoever you are, thanks so much for laughing. you retard.

 


May 4, 2007

I was so bored this morning so I made testimonials/comments for my friends on friendster! Buzz me if i failed to make one for you, dear. and i approved friendrequests from guys i do not know..

Tonight, i'll be watching Madz Et Al again. haha! im such an addict! i know.

i sooo love watching chorale concerts and musical plays. haha!

For tonight's show:

University of Makati Chorale, Chiang Kai Shek Youth Choir, Our Lady of Fatima University Chorale, Kilyawan Boys Choir, Supreme Court Chorale.

hahaha! can't wait! i gotta go! bye :D

Currently feeling: excited
Posted by princessamimi at 02:04 PM in on the way down | oink oink!

sabi ko

sabi ko magbabago na ako

sabi ko susulat ako

sabi ko aayusin ko to

sabi ko tatawagan kita

sabi ko pupunta ako

sabi ko hindi kita paghihintayin

sabi ko darating ako agad

sabi ko hindi ko patatagalin

sabi ko lahat gagawin ko

sabi ko hindi na kita gagalitin

sabi ko hindi na ako mapipikon

sabi ko next time hindi na talaga

sabi ko hindi na mauulit

sabi ko sana bumalik na tayo sa dati

sabi ko sorry na

sabi ko babalik ako ulit

at sasabihin ko yan paulitulit

sabi ko okay ka na?

sabi ko okay na ako

sabi ko pwede na

sabi ko okay na tayo

sabi ko mahal din kita

sabi ko di ako aalis..

sabi ko di kita iiwan...

sabi ko ulit mahal kita

sabi... 

sabi...

sabi..

SABI KO LANG YUN.

HINDI KO NAMAN SINABI NA GAGAWIN KO.

PERIOD!


bakit naman ako magsasabi ng isang bagay na hindi ko naman ibig gawin?

BAKIT? BAKIT? BAKIT? HA? HA? HA?

 

 

 

Currently feeling: irritated

May 1st, 2007

at ako ang target

simula ngayon, itatago ko na ang mukha ko.sana magkasya sa bulsa ko. hehe. namaan nakakatrauma naman yung mga tao sa labas ng lungga ko. at ako ang target. san ka pa?nung una may bubwit na nagbabanta saken, okay lang daganan ko yun eh.. pero friends na kami. ngayon naman, hindi ko kilalang higante tas may malaking warning nang nakadikit sa mukha ko. HUMANDA KA. nakoo. ano ba yan. hindi ko naman siya kilala eh. tas bigla niya sa akin ung gagawin. nagulat pa ako.. dbale, sige match na kung match. para naman akong si mitsukushi nito, kalaban ng F4 sa Hanayori Dango. so.. ang tawag sa akin ngayon..

MITSUKO-shi. yeah right. ampanget. Simula ngayon, away na to.

haiiy. sino ba kasing bakla ang mayroong malaking bunganga? asa ka..

hmmm. sabi ni BEA SABLAN, sana sunday nalang lagi.

kung araw araw linggo, araw araw akong nasa simbahan.. araw araw ko na rin itatago yung mukha ko. ayoko na umupo sa table na yun. magpapalipat na lang ako ng pwesto..ewan ko ba. masaya naman ako tuwing linggo eh, kasama ko mga choirmates kong masasaya. nakikita ko si Fr. Nelson, Fr. Raul at Fr. Rex. hihi. okay. basta yun na yun. masaya ako pag maraming tao. pero kung may manttrip sayo.. magtatago na akoooooo. hehehe.

*********************************************************
oh well. enewei. ano na? anong bago? okay ang araw ko kahapon. buong umaga chat with bea, my labs. ahah. bea sablan. tas nun hapon, punta kila ate joan. ang saya naman nun. wala lang hanggang gabi. late na ko umuwi pero masaya ako. sana laging party sa JD..

anong bago? okay nag sign up ako sa pindot ministry kasama si bea. partners daw kami!
hahaha. PARTNERS IN CRIME. okay. ah basta masasayahan ako kasama tong bea na ito!
love you!!! ayun.

TADHANA ng parokya ni edgar wala lang. maganda.

ano bang meron sa love love na yan?? tsk.

lagi nalang yan ang tinatanong: kamusta ang lovelife?

ano naman paki ko dyan? wala ako niyan. haha. yan pa ang pahamak eh.. haha!

oo na. tama na. wala pa sa isip ko yan kasi bata pa ako.. hehe.

bahala kayo mamroblema dyan. tatanda kayo agad

Currently listening to: tadhana by parokya ni edgar
Posted by princessamimi at 10:37 AM in on the way down | oink oink!

users..

madalas sinasabi ng karamihan, ayaw nila ng mga kaibigang manggagamit. tipong gagamitin ka lang para sa ikabubuti nila at pagkanakuha na nila ang mga karangyaang inaasam, para kang basurang itatapon nalang kung saan. hahayaan na magpalaboylaboy at sumabay nalang sa agos ng panahon.

Environmental Principle sa basura: Everything must go somewhere 

pero bakit ganun, sa friendster.. pag nag approve ka ng friend request at ilang beses mo clinick yung "Yes" button dahil sa bagal magload, ang lalabas.. "Users are already friends"

USERS ARE ALREADY FRIENDS????! 

pwede pala yun?!


okay. ang babaw.hindi ganyan kakitid ang utak ko ah!tsk. naisip ko lang yan sa ganito kaagang oras sa biglaang paggising sa akin ng aking ina. aynako.. korny. oo na. sa friendster, ang user pwede maging friends. sa cyberworld lang yung ng friendster! sa totoong buhay, hindi ako papayag! waaah.

 

Currently listening to: the birds singing
Currently reading: my blog entry hahaha!
Currently watching: the monitor. korny ko talaga
Currently feeling: confused
Posted by princessamimi at 07:02 AM in on the way down | oink oink!

April 28th, 2007

PPCRV Meeting

Galing nanaman ako sa simbahan kanina. Masaya nanaman ako. hehe. Hindi ko alam ah, pero nag eenjoy talaga ako pag nasa simbahan ako. hindi kaya senyales na ito? baka nga nakatakda na talagang maglingkod ako sa Panginoon, sa kapwa ko, sa simbahan.

Ano nangyari kanina? pinag usapan ang mga dapat namin pag usapan! haha

1. Poll Watching Seminar

- May 5: 6:30pm Mass, 7:30pm seminar

2. Precinct Assignments (Pending)

3. Food Committee--> kasali ako dito kasi minor palang ako!

-taga dala ng mga pagkain sa mga volunteers kasama ang iba pang youth kasi kami ang mga malalakas. haha. 10 yata kami

10 am RECESS

12 nn LUNCH

3 pm MERIENDA

7 pm DINNER

10 pm MIDNIGHT SNACK

4. PPCRV Tables

- Sa may entrance ng simbahan, may mga tables dun para sa mga donations ng mga tao sa pangangailangan ng PPCRV volunteers.
ang saya kanina, haha ang daming tao rumesponde.

my shift sched: 4:30-8:30 pm, pwede din siguro ako sa 11am after ng Mass.

choir sched: 10 am Mass and 11am Mass


- okay pa naman ang sched ko. sa May busy na talaga ako.pano na kaya sa pasukan.

5. Citizens Count

-ito yata yung sa mga encoder eh. hmmh. iniisip ko pa kung sasama ako dito. malamang siguro sasama ako. naku. puyatan to! magdamag sa harapan ng computer nag eencode ng mga boto.
sana lang mabilis akong mag type!

6. Commissioning of Volunteers

- May 13: 11am Mass

7. Voters Desk/ Information Desk

-Stage: sa stage ng gym sa Toro Hills Elementary School
-Cordon: para marker. haha
-Assigned members: ako ulit, tita noemi, tita fely, tita baby, tita leny,
tita lina,erlou,tita cynthia, tita bing and tita lyn.

**After meeting, mass na at nakapwesto ako sa may table sa entrance.kasama ko yung ibang mga taga youth dun at kaunting kwentuhan kasama si nikki. may new friends ako: si erlou at si merryl. wala lang. ang saya, sa simbahan pa lang marami na akong nakikilala. da best. haha.

marami na akong nasalihan na kung ano ano sa buhay ko. sa school 1 ang club ko, 2 ang org ko at busy pa ako. haha. masaya ang maging workaholic. haha! kaya nga ngayong bakasyon hindi ako sanay ng walang ginagawa eh. pero tamad ako na masipag. ay ewan. basta lagi akong may ginagawa masaya ako, may ibang bagay lang talaga kong kinakatamaran, lalo na pag hindi ko trip.

plano kong magbagong buhay:

-ibig kong sabihin.. mas dadamihan ko pa ang orgs/samahan na sasalihan ko, siyempre yung nakakabuti sa akin. para naman hindi ako nabubulok sa bahay kung hindi ko kaharap ang labada at mga pinggan na huhugasan. haha! tataba lang kasi ako pag natulog ako.marami akong makikilala at madadagdagan pa ang kaalaman ko sa buhay.

-sasali ako sa: greeters. basket watevs (yun sa simbahan pag misa!), cantor(hindi ko alam kung automatic kasama na ako pero nag cantor na ako),lector (sana kung tagalog ang misa, mas bihasa ako dito), sa wedding org(tutulong sa pag aayos ng mga kailangan sa kasal), liturgical planning(kasali ako dito dati pero dahil busy sa school umalis ako. late na din kasi nun..basta sasama ko ulit!!), hmmh. nakalimutan ko na yun iba. basta lahat sasalihan ko!

-GUSTO KO MAGING CL TEACHER NGAYON NA. gusto ko sumali sa catechist formation dapat eh, kaya lang naisip ko, paano ako magtuturo sa public schools ng catechism kung ako mismo ay may pasok sa eskuwelahan? huhuhuhu. sana kasi may summer program sila eh. gusto ko talaga maging teacher, kahit part time lang.

-may banda ako, pero hindi kami nagppractice. ay ewan. gagawan ko ng paraan yan. kasi naman pag nagyayaya sila, tinatamad ako.hehe

-never stop learning miko. haha. madami pa akong gustong matutunan sa totoo lang. gusto ko iimprove ang aking pagkanta at pag arte. nawala na ata ang talento ko sa pagsasayaw ng ballet eh. mag eensayo ako mag gitara ulit, aaralin ang mga piyesa. gusto ko matuto ng web design at kung ano ano sa computer. gusto ko matuto ng photography at ng self defense, mapalawak ang kaalaman ko sa sining at palalimin ang aking wikang filipino at wikang hapon. lol.

-ah basta, magtuturo ako!! kahit mag end up ako sa pagiging nagosyante ang makapagtayo ng sarili kumpanya, sa buhay ko kailangan makapagturo ako. kahit anong asignatura o pangaral sa buhay basta may mga tao akong maapektuhan at matulungan sa mabuting paraan masaya na ako.

 

*bow*

 

P.S

nangangapanya po. iboto niyo na ako! NOW NA. hahaha

Currently feeling: happy
Posted by princessamimi at 10:21 PM in on the way down | 2 broke the spell

April 23rd, 2007

online

nag gigitara, kumakanta

nakatanga sa harap ng monitor

at nakita ko siya..

nag gigitara, kumakanta

nakatanga pa rin pero

pinabayaan,binalewala

at pinalipas ang pagkakataon

nag gigitara, kumakanta

pinakawalan,pinagmasdan

at hinayaan siyang umalis..

**********************************************************

online. offline. mamaya online ulit. tas mag offline.
ganun talaga pag nababato na. parang sa kalye, pag
tambay ka, panonoorin mo lang ang takbo ng siyudad..
magulo, mabilis. dadaanan ka lang nila. at ikaw,
nandun lang, hindi umaaagos. at nanatili kang bato..

online. offline. mamaya online ulit. tas mag offline.
pinagmamasdan siyang labas pasok. wala akong ginawa.
ganun lang. pinalilipas ang bawat sandali.. ang bawat pagkakataon na makakausap ko siya..

April 22nd, 2007

at nakita ko siya

naglalakad. dumaan. lumingon...

1.)at nakita ko siya, hindi ko siya tinignan

at nakita ko siya, hindi ko rin siya kinausap

at nakita ko siya, nang di sinasadya

at nakita ko siya nang ayaw ko!

2.) nakita ko siya, dinaanan niya lang ako

at nakita ko siya, nakatalikod.. kumakanta

at nakita ko siya, di niya ako nakita

at nakita ko siya, hindi niya ako tinignan

3.)nakita ko siya, malapit sa akin

at nakita ko siya, nakangiti't nakatingin,

at nakita ko siya, kumaway

at nakita ko siya, nahulog sa akin

4.)nakita ko siya, hinihiyawan, kinakikiligan

at nakita ko siya, tumakbo, humabol ng bola

at nakita ko siya, sumalo, nakapuntos

at nakita ko siya, pagod pero masaya

5.)nakita ko siya, tinitignan siya

at nakita ko siya, hinihintay na kausapin

at nakita ko siya, hindi nangyari ang inaasam

at nakita ko siya, huli na't bigo

at nakita ko siya, hinihintay ang bukas

at nakita ko siya, nakita ang minamahal

at nakita ko siya, sa wakas masaya na.

 

 

Posted by princessamimi at 08:56 PM in my tragic fairytale | oink oink!
« | »