Entries for May, 2007

May 1st, 2007

at ako ang target

simula ngayon, itatago ko na ang mukha ko.sana magkasya sa bulsa ko. hehe. namaan nakakatrauma naman yung mga tao sa labas ng lungga ko. at ako ang target. san ka pa?nung una may bubwit na nagbabanta saken, okay lang daganan ko yun eh.. pero friends na kami. ngayon naman, hindi ko kilalang higante tas may malaking warning nang nakadikit sa mukha ko. HUMANDA KA. nakoo. ano ba yan. hindi ko naman siya kilala eh. tas bigla niya sa akin ung gagawin. nagulat pa ako.. dbale, sige match na kung match. para naman akong si mitsukushi nito, kalaban ng F4 sa Hanayori Dango. so.. ang tawag sa akin ngayon..

MITSUKO-shi. yeah right. ampanget. Simula ngayon, away na to.

haiiy. sino ba kasing bakla ang mayroong malaking bunganga? asa ka..

hmmm. sabi ni BEA SABLAN, sana sunday nalang lagi.

kung araw araw linggo, araw araw akong nasa simbahan.. araw araw ko na rin itatago yung mukha ko. ayoko na umupo sa table na yun. magpapalipat na lang ako ng pwesto..ewan ko ba. masaya naman ako tuwing linggo eh, kasama ko mga choirmates kong masasaya. nakikita ko si Fr. Nelson, Fr. Raul at Fr. Rex. hihi. okay. basta yun na yun. masaya ako pag maraming tao. pero kung may manttrip sayo.. magtatago na akoooooo. hehehe.

*********************************************************
oh well. enewei. ano na? anong bago? okay ang araw ko kahapon. buong umaga chat with bea, my labs. ahah. bea sablan. tas nun hapon, punta kila ate joan. ang saya naman nun. wala lang hanggang gabi. late na ko umuwi pero masaya ako. sana laging party sa JD..

anong bago? okay nag sign up ako sa pindot ministry kasama si bea. partners daw kami!
hahaha. PARTNERS IN CRIME. okay. ah basta masasayahan ako kasama tong bea na ito!
love you!!! ayun.

TADHANA ng parokya ni edgar wala lang. maganda.

ano bang meron sa love love na yan?? tsk.

lagi nalang yan ang tinatanong: kamusta ang lovelife?

ano naman paki ko dyan? wala ako niyan. haha. yan pa ang pahamak eh.. haha!

oo na. tama na. wala pa sa isip ko yan kasi bata pa ako.. hehe.

bahala kayo mamroblema dyan. tatanda kayo agad

Currently listening to: tadhana by parokya ni edgar
Posted by princessamimi at 10:37 AM in on the way down | oink oink!

May 4th, 2007

sabi ko

sabi ko magbabago na ako

sabi ko susulat ako

sabi ko aayusin ko to

sabi ko tatawagan kita

sabi ko pupunta ako

sabi ko hindi kita paghihintayin

sabi ko darating ako agad

sabi ko hindi ko patatagalin

sabi ko lahat gagawin ko

sabi ko hindi na kita gagalitin

sabi ko hindi na ako mapipikon

sabi ko next time hindi na talaga

sabi ko hindi na mauulit

sabi ko sana bumalik na tayo sa dati

sabi ko sorry na

sabi ko babalik ako ulit

at sasabihin ko yan paulitulit

sabi ko okay ka na?

sabi ko okay na ako

sabi ko pwede na

sabi ko okay na tayo

sabi ko mahal din kita

sabi ko di ako aalis..

sabi ko di kita iiwan...

sabi ko ulit mahal kita

sabi... 

sabi...

sabi..

SABI KO LANG YUN.

HINDI KO NAMAN SINABI NA GAGAWIN KO.

PERIOD!


bakit naman ako magsasabi ng isang bagay na hindi ko naman ibig gawin?

BAKIT? BAKIT? BAKIT? HA? HA? HA?

 

 

 

Currently feeling: irritated

madz et al festival series

The Philippine American Life and General Insurance Company and
The Philippine Madrigal Singers present Madz Et Al Festival Series 2007
A Celebration of Filipino Choral Artistry
May 1-6,2007

Infant Jesus Academy, Maryknoll Sanctuary Choir of Baguio, Lifeline Chorale, Adventist University of the Philippines Voice of Indonesia, Pag-ibig Fund Chorale, NAPOCOR Chorale, Pangkat Maharlika, Adventist University of the Philippines Celestial Echoes, Caltex Chorale, University of the East Chorale, Ateneo College Glee Club, Ateneo Chamber Singers, Kilyawan Boys Choir and many more..

Jon Lumba, Jose Solidum Jr, Warlito Yalung, Fred de Santos, Anna Abeleda- Piquero, Ed Nepomuceno, Oscar Pantaleon, Alfred Samonte, Jonathan Velasco, Malou Hermo, Mark Anthony Carpio...et al. haha

MAY 1, 2007
Jubilate Deo Choir Anniversary

who i'm with:ate joan, my mom, bea, bea's mom, kuya doyle, ate sheila & kuya jojo's family.

we watched the concert and then we had a ten minute break. joan was a hungry beast and so we went to Mc Donald's. i watched her eat ..fastforward! oh great. too late. i wasn't able to watch the AUPVI sing Seasons of Love..

after the show, we ate at chowking cuz mc donald's s a bit crowded and smelly. haha! then, we walked along roxas blvd. went hotel hopping! took pictures.. went to baywalk after, let kuya doyle reminisce but won't let him jump down the bay. niuk. kidding.

niuk was bea's favorite expression. niuk niuk niuk niuk to BEA! haha niuk niuk niuk niuk is not love.

Hahaha.thanks so much choirmates! i had a great time. I LOVE YOU!! HAPPY ANNIVERSARY!!!!

 


May 2, 2007

I watched Madz Et Al Festival again. This time with my cousin. It was great, just like yesterday's show.

Ate Sheila, thank you so much for the tickets!

BIG NEWS: I ALMOST DIED.

translation: MUNTIK NA AKO MAKASAGASA NG KOTSE ^_^ hehe

pag nasira yung kotse, kasalanan ko 

ugh. i won't forget that friggin guy.

my cousin: "munitk ka na masagasaan"

friggin guy: "MUNTIK NA TALAGA!! haha" *laughs out loud*

whoever you are, thanks so much for laughing. you retard.

 


May 4, 2007

I was so bored this morning so I made testimonials/comments for my friends on friendster! Buzz me if i failed to make one for you, dear. and i approved friendrequests from guys i do not know..

Tonight, i'll be watching Madz Et Al again. haha! im such an addict! i know.

i sooo love watching chorale concerts and musical plays. haha!

For tonight's show:

University of Makati Chorale, Chiang Kai Shek Youth Choir, Our Lady of Fatima University Chorale, Kilyawan Boys Choir, Supreme Court Chorale.

hahaha! can't wait! i gotta go! bye :D

Currently feeling: excited
Posted by princessamimi at 02:04 PM in on the way down | oink oink!

May 6th, 2007

parang ayoko na yata

parang ayoko na yata
nakakapagod din pala ang iyong mukha

di ko kayang magalit
pag nakita na kita tumatatamis ang pait
laging pinipilit na magsungit ngunit di bale na...

parang ayoko na yata,
ngunit wala naman akong magagawa
marahil sobrang alam mong di ko kayang mawala ka
swerte ka't mahal kita, malas talaga...

parang ayoko na by parokya ni edgar


parang ayoko na yata..

hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, parang.. ewan eh. ang labo. masaya naman ako pero medyo parang may kulang.. may hinahanap ako na hindi ko alam.. may gusto ako na ayoko. may hinhintay ako na parang wag nalang. may paki naman ako pero may oras na bahala ka na sa buhay mo. may mga gusto akong sabihin pero next time na lang. may gusto akong gawin pero bukas na lang.. PERO hanggang kailan yung bukas na yun?may.. sige di bale na lang. labo noh? malabo talaga.. kaya nga hindi ko magets eh. kung may magtatanong, bakit ka ba ganyan. ang sagot wala.

"parang ayaw mo na ng?"

.....

"wala"

....

okay. ano yun? malabo nga. yun na yun. hindi ko rin alam.

sabi ng nanay ko, ang labo ko. hindi ko alam kung ano ang gusto ko.

ano nga ba talagang gusto ko?

wag mo niyo nang tanungin. pare parehong linya din ang isasagot ko.

*sorry sa mga nasagasaan ko kanina, napapagod lang ako talaga.. naguguluhan.nalalabuan..


parang ayoko na yata..

paurong kasi ako eh. madali akong bumigay.. tipong "sige, wag na lang.."

para akong g@g0. seryoso. okay,

m:gusto mo siya?

a: oo eh..

m: o sige, kaw na lang..sayo na..

hiay. ano to? hehe. generous ako eh.. yeah right mikooo.

OKAY KA LANG? okay lang..

 


minsan gusto ko nang magalit sa sarili ko, pero hindi na yun mangyayari ulit. kaya ko to. pramis. baka maulit sa akin ung nangyari noon..nanghina ako kasi malungkot..hindi ko pala kaya yun

 


"pano ba kita mapapasaya?"

"ewan. malay. hindi na kailangan. ako pa. magaling ako eh"

"hmmmm.."

"??!?????!?!"

"ah basta. kailangan mapangiti kita. hindi pwdeng ganyan!di ka normal"

"kaya mo? pano?magaling ka lang sa salita eh"

"siyempre ako pa!..err.. sa paraang alam ko... mas magaling yata ako sayooo"

at nagawa nga niya. nung araw na yun,siya lang ang nakapagpangiti sa akin. nakakatuwa nga eh, hindi siya nahiya sa ginawa niya. kung ano mang kalokohan un, un ang nakakatawa! ehehe.

 


sunday ngayon: masaya tuwing sunday sabi ng choirmates ko.

 

TAMA. masaya nga..

10am at 11am - MISA. magaling ang JD. da best. nandun un alumni eh

umuwi. naglunch. nag internet. namromroblema. nalalabuan. naguguluhan..

1:30pm meeting sa simbahan

pagkatapos, kainan sa bahay nanaman. kasama ang choirmates, sila lang ang madaling mahagilap. pagkatapos ng kain, truth or dare pero sa totoo.. truth lang lahat.. first impressions.. erk

first impression sa akin:

-strikto, masungit, mahirap pakisamahan, mature, sweet, malambing.

awww.iba iba yan sa iba't ibang tao. dpende talaga sa mood ko. haha.. buti alam niyong hindi ako ganun talaga. haha!

jamming with choirmates at may banda na ang JD! yes naman..

drums- fred

guitar-kuya wil

lead guitars-kuya mel

vocals- me

bass-porky

after, diretso na sa church. at habang naghihintay sa 6:30 Mass. tambay muna. at sa sobrang walang magawa. gumawa kami ng alyas namin.

ako ang pasimuno. hehe.

kuya william- yammi

mitch- choppie; chappy

porky- chop chop, yo bob!

ate lek- sheng

kuya mel- lotskie, kurly, skie

sa sobrang tuwa ko, grabe para daw akong bata talaga.

bata naman talaga ako eh.. soobrang isip bata. hihihihi.

6:30pm Mass. yay! hehe. love ko si kuya ed eh. basta siya lahat gagawin kooo. :D baet baet kasi ni kuya ed. ayun. hihi. KUYA ED!!!!! thanks sa lahaaat!!!

 


"ui may sasabihin ako sayo"

 

"err. ha? ano?"

"may sasabihin ako sayo!"

"ha? ano?"

"may sasabihin ako sayo!"

"ha? "

nagtanung sa katabi

"anong sabi niya?"

"may sasabihin daw siya sayo mamaya!"

ahh. ang bingi ko talaga.

"oh ano na yung sasabihin mo sa akin?"

"may kilala akong may crush sayo!"

ahhh sabi ko na nga ba eto nanaman tayooo. lovelife nanaman. ano ba yan

"oh?"

oh naaa. lam ko naman kyot talaga akoo. ang kapal ko talaga.

"tinatanong nga niya kung pwede ka niya ligawan"

"........?!?!??!"

"ang sabi ko naman, hindi pwede! kay **** na yun!"

"eh?"

nakooo naman. nilaglag nanaman akooo. bakit mo naman sinabi yun??! huhuhu. anoo ba yaaaaan. oh basta. erk.. ano baaaa!!!

"ayun.."

"aaaahhhh."

oh hindi kasi ako nagpapaligaw, sorry. hanggang friends lang.

nakita daw ako nung holy week nung nag cantor akooo. ang galing ko daw..nakakagaan ng loob.. hindi kasi ako naniniwala sa kakayahan ko.. oh yun.. buti pa yun, kung sino man siya. buti pa sila.. pati sila naalala ako dahil dun..naappreciate nila yun..

haiiiy. bakit ikaw? parang wala lang ako.

oh bahala na! yun na yun..

baka sakali..mangyari din un. sa susunod. pag wala naaa

 


minsan.. naisip ko lang..

 

kung may gusto kang tao pero siympre hindi mo sinasabi kung sino siya..kunwari sasabihin mong iba yung gusto mo. o kaya naman binuko ka na nga pero pinagdiinan mo talaga na wala kang gusto dun..

paano kung ganun din siya sa iyo?malala paano kung harapang ganun kayo? pinipigilan yung nararamdaman sa isa't isa?

ang korny mehn. pero ganyan talaga..

"okay ka?"

"oo, kaw?"

"hinde.."

....

"okay ka na?"

"oo naman,kaw?"

"okay ka naman ngayon, ako.. hinde"

....

"ano nag usap na kayo?"

"oo namaaaan.."

"kamusta usapan?"

"masaya.kayo? nag usap na?"

"hinde eh..nakasimangot siya pag nakangiti ako.. siya naman nakangiti pag nakasimangot ako"

"eh? ah.. oo nalang. ang labo nio."

"hindi mukha.."


Currently feeling: confused
Posted by princessamimi at 10:53 PM | oink oink!

May 7th, 2007

ang bobong.. errr.

adventure ni chappie..

morning: pumuntang tutor link. ang usapan, 10pm kami magkikita ni bestie pau. pero 10:30 nagbibihis palang ako. hehe..ganun naman eh. nilakad ko ang kahabaan ng congressional para makarating dun. ang init chong! grabe. wala pa nga kong 5 mins sa labas ng bahay, napipiga na ung panyo ko ng pawis.

nakita ko si manong lito. niuk. manong talaga eh. andun parin siya sa entrance ng tutorlink.. tas pumasok na ako tas nakita si bestie pau dun. nandun din si ate divine. hehe

bus. papuntang SM. naglakad. pumila sa jeep papuntang UP. okay naman. haha masaya kasama si pau, puro kwento. pinagtripan ko nanaman ang buhay pag ibig niya. waaaa. ang sarap mang alaska. erk. okay, sa buhay ng iba lang. yung sa akin, di dapat pinag uusapan un. dahil wala ako nun. hehe. oh malaks mantrip si chappie pero pikon. unfair no? ah talagang unfair. .tas biglang na emo sa "ikaw lamang" ng silent sanctuary.. haiy. siya lang pala ung na emo hindi ako. hahaha!

UP. sa wakaaas! haiy.. naaaliw ako. oh ayun. jeep nanaman papuntang katipunan. sinamahan ko si pau sa LSC. pagkatapos, nag natio. un naman tambayan ko eh.. tas nakita ko ang mga mahal kong kaibigan! hehe. reunion ba sa bookstore! haiy mamimiss ko sila. hindi na pala kami block sayang naman..

1pm: ATENEO. kahit mainit tinahak parin ang daan. hehe. gustong gusto ko pumupuntang ADMU. maraming puno eh. okay. mababaw. pero yun lang yun.. hinanap ung ISO. tas nakita si nicole.. yes. kumpleto naaa. nakita ko rin ung kapatid kong si jeremai. kahit kelan talaga maganda kaaa. hehe.

MIRIAM. hinatid si paula. nakita ko ung tsinita koooo. na miss ko siyaaa!ang kulet. o nakita ko din si garchie. may training ung team, sabi nga niya magtrain daw ako.. sayang wala naman akong oraaas. aun.

ATENEO. balik sa ISO. grabe. nosebleed ung diagnostic exam. kung ikaw ba naman kasi, 4 na oras mo ung gawin sino bang matutuwa? wala pang break. aynako. nadalian lang ako sa science, fil at english. sa math.. eh. nakalimutan ko na kasi un. hahaha.pagkatapos, hinatid si niks sa college library. hinintay si tito ryan. nasira ung bag ko. tas umuwi naa.

MIRIAM----->UP------>SM NORTH------>STOPLIGHT.

pagbaba ko ng bus. nakita ako ni kuya bik. okay. haha. nakakatawa talaga yung taong yun. da best! haha.

"ui!"

"ui kuya!"

"san ka galing?"

"school."

"nag bus ka?"

"yes!!! hehe"

"oh? naks ang galing ahh!!!"

"oo naman!! ako pa!!! hehe"

"oh ang cute mo pa!"

"siyempre. cute talaga ako"

ayan naman eh. ang kapal talaga ng mukha ko. hehe.. 

hindi pa ako dumeretso sa bahay. nag park pa ako sinamahan ko ung mga bata.. tas nagdasal sa simbahan.

pag uwi kooo..

nakasalubong ko si ****..oh ayun. dedma kahit cute siya.

ano pa nga ba gagawin ko??? siyempre wala.

 


pag dating ko sa bahay, dun ko lang narealize na ang bobo ko pala!!!

"ang bobo kooooo!!!! argh!!!!! ang boboooooo!!!!"

 

humirit ang kapatid ko: "buti alam mo!, ako matagal na!"

pati nanay ko eh..: "oh? bobo ka pala? ngayon mo lang naisip?"

errrr. tama yan. mga hirit ang lalakas eh. engot talgaaa. hindi ako gumagamit ng common.. oh kalimutan na ngaaa!  hindi ko kasi naisip un agad eh.. kung ano na lang naisip ko un na un. wala nang dalawang isipan!

haiyyy. dumating nanaman ang kapatid kong isa. may umaaway nanaman sa akin. para nanaman akong walang kwenta sa kanya. ang liit liit na tao, higanteng kontra bida sa buhay ko. nun wala siya ng 2 linggo, masaya. tahimik ang buhay. kalmado ang lahat. ngayon natataranta. haiiiy nakoo. Ms. OLPH ka pa naman. aanhin ang ganda kung ganyan ka? eh. buti akooo, di bale mataba. mabait naman.. o maganda pa. hehe. OO na lang kayo. masaya ako ngayon eh. kahit medyo bobo nga un ginawa koo.


yun asta ko kahapon. wala un. haha. bipolar kasi umatake. haha. niuk. oooh naaaaaa. wala yun.

ah kanina, pag sakay ko sa jeep. may nakita akong kahawig ni ***.

mukhang bakla. oh forever na talaga siya bakla tingin ko. haiy..

eto listahan  ng mga gusto ko makilala:

-yung mga magagandang babae sa simbahan na kung tawagin ay mga LECTORS.

-yung makulit na bata na hindi ko kilala (kaya ng gusto ko makilala eh!)

-yung mga kaklase ko sa ISO.

-yung mga kabilang sa FANS club ko. salamat. ang kapal ko talaga.

oh yun lng. hehehe. ampp ang sayaaaa namaaan sana laging ganun!!

"oi"

"oi ka din"

"ano?"

"anong ano?"

"anong ano ano??"

"ha?"

"eh?"

"sabi mo eh!"

"ano???"

"amp namaan! ang labo mo eh!"

"sino nauna?"

"ako."

"oh?"

"wala laang."

aynakoo. childish talaga niyan hahahahahahaha

ah basta kahit ganyan. ambobo talaga ng araw ko. pero masayaa. 

 

Posted by princessamimi at 08:58 PM in on the way down | 2 broke the spell

May 11th, 2007

kung gaano ako..

kung gaano ako ka-busy

-araw araw 1-5pm nasa admu ako para sa cet review.

-nag aaral; nagbabasa; nosebleed madalas ang vocab sa english

-summer magnificat meeting; next week. wala pang date. agenda aayusin

-PPCRV:
        ako ay isang call center agent: taga  text at tawag sa lahat ng members para iinform sila sa gaganaping meeting at commissioning. taga sulat ng pangalan ng mga volunteers sa papel at envelope. tas un mga papel ilalagay sa envelope. mga tipong ganun na paulit ulit lang. hehe. pero masaya!! :D sa eleksyon, dun ako sa information desk/voter's desk. nasa akin na nga ung listahan ng mga voters na ang surname ay nagsisimula sa letter D. food committee din ako, taga prepare ng food and taga dala sa mga volunteers.

"ayan si miko masipag yan"

"oo nga eh natawagan ba lahat?"

"opo nasa kalahati na po ako, tatapusin ko po mamaya"

"ang sipag talaga ni miko"

"maganda yan sa biodata. ilagay nio yan pag mag aaply kayo sa trabaho, PPCRV 2007"

"bigyan niyo siya ng certification"

yeah. hindi naman ako ganun kasipag.ginagawa ko lang yung mga pinapagawa sa akin. masaya ako sa ginagawa ko. sa paglilingkod at sa pagtulong. wala naman akong hinihingi na kapalit. okay na ako dito. hehe. naks. mc ang tinatak sa akin, EMPOWERED LIKE MARY TO LEAD IN SERVICE. sa wakas pag grumaduate ako ng HS alam ko na kng anong natutunan ko sa paaralang kinalakihan ko ng ilang taon. weh. ang korny na chong..oh yun na yun.

-choir: practice at pagkanta tuwing linggo. may banda na kami so madalas
           na rin ang jamming namin. hehe.

-bus jamming: sa sabado dba? hehe. text niu na lang ako kung tuloy 

pagkatapos ng eleksyon. hindi na ako magiging busy. iniisip ko pa nga sa monday kung mag aabsent ako sa school eh kasi may pasok pa! tsktsk. sana kasi wala na lang. hehe..

kung gaano ako ka-lala

-sabi ko nga nosebleed ang vocab sa ENGLISH sa sobrang lalim.

-wala pa kaming MATH subject, eh paano na lang kasi un?? nosebleed lalo. nakalimutan ko pa naman un algebra ko. 

-kung FILIPINO nalang sana lahat ng subject pwede pa. 

-ang CET kasi sana CL, MAPE, FILIPINO at SCIENCE na lang. hehe.

-ano bang course gusto ko? eh.. ewan . saka ko na lang ipopost dito.

-may listahan ako sa kuwarto kong mala dumpsite.

-kailangan ko pa ayusin. sana lang makayanan ko. haha! 

-ang tanga tanga ko. nakalimutan ko na ang blog pala ay nababasa ng kung sino sino. kasama na ang kapatid kong anooo. ayun.

-lumolobo nanaman ako. ano ba?! pumyat na kasi ako nun tas parang okay ano un? bakit ganyan??! haha.

 


wednesday

 

        PPCRV meeting ng umaga. dapat. pero hindi na natuloy dahil may problema sa simbahan. period. yun lang. kaya binigyan na lang ako ng assignment. magtawag ng members. grabe. iba iba ung klase ng taong natawagan ko. whewww. buti nalang natake ko. haha! salamat kay bea sa pagtulong sa akinnnn :D

thursday

         err. nag aral. sulat ng notes. nagbasa ng dictionary. grabe. todo na to. seryosohan. nosebleed nga lang. sobrang naantok ako sa English 3, sobrang reading comprehension at mga figures of speech san ka pa? hindi ko marinig masyado ung teacher. nakakaantok pero ayos lang. tinabi pa ako sa mga kapwa ko malalaki. pero mga lalaki katabi ko. haiiiiiy. isa lang tuloy kausap ko, ung katabi ko.

         si bea at ako. pumunta kami sa claret. sumabay siya pauwi sa akin.sobrang gutom ko kumain kami dun. haha. ang sarap ng food. mura pa. with extra rice! nanuod kami ng recital. nandun nga un dad at kapatid ni malcom. tas nag mcdo kami kasama un family. tas sobrang ewan. masaya!!! haha! nagtawag nanaman kami ni bea pgdating sa bahay. tas ayun. haha. meron pa nga bata eh, amerikana. sobrang napasabak pa ako ng ingles. eh, sabaw na ako nun. hahaha!pagkatapos. uwi na si bea. hinatid, dumaan sa simbahan dapat titignan un bata pero ang naabutan un matanda. hehe. buti na lang hindi ako pumasok!!!! wahahah! ops. sorry. mali pala ang impormasyong nahagap namin. ayun. naka witness pa kami ng action drama scene under da rain sa may tapat ng simbahan. natakot nga ako eh. ayun. oh basta un na un.

 I LOVE YOUU BEAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!! SALAMAAAAT SA HELP!!!!!!!!!!!

 

Posted by princessamimi at 11:56 AM | oink oink!

May 13th, 2007

na starstruck ako

HAPPY BIRTHDAY CHOPCHOP!!!!

maaga ako gumising. naligo. diretso simabahan. masaya pa ako eh, tas biglang si bro. sam nakita ko tas tinanung kung anong assignment ko ngayong araw, sabi ko naman may choir practice (tsaka bday ni chopchop! chibog nanaman! hehe) ayun. tas nabanggit ni ate joan yung t-shirt bakit daw hindi ko dala! ay oo nga pala!!! arghh. umalik pa tuloy ako sa bahay. grabe ang init pa namaaaan. pawis na pawis ako nun! haha!

10AM Mass. nakita ko si jamie. ang aking art staff-mate. hehe. ang laki ng pamilya nila grabe. kaya daw sila 10am nag Mass balita daw nila magaling yung choir ng ganun oras. ngek. baka balita nila un nun nandito ung alumni tuwing 1st sunday of the month! haha. oh well..okay naman ngayn. may mic na kasi kaya ayun. tingin ko naman maganda ang tunog ng choir.. hehe. ano pa? nakit ko si ate leklek kanina. malungkot siya. nabasa ko kaagad kung anong problema.. ayun. saka na kanina nung kinuwento niya, tama pala ko. haiiy. bakit ganun? may mga tao ba talagang binigyan ng kakaibang kung ano man ang tawag dun na madali mong malaman ang bagay kahit hindi sinasabi sayo?

11AM Mass. okay lang din. pero nabingi ako. tas medyo spaced out. hindi pala medyo.. wala talaga ako sa sarili ko. ang init eh. doble pa yung suot ko. yung green shirt ko tsaka ung PPCRV tshirt. yun. eh.. yung mukha ko halatang wala sa sarili. niuk kadire. ano ba yun.

akala ko ba galit ka? 

PPCRV Meeting. ang daming tao. ngek. haha. acting secretary ba ako? nagsulat ako ng mga pangalan. nagtawag ng mga tao. nagdistibute ng id. namigay ng food sa mga tao. nangolekta ng basura. hehe. ang daming gawain. naks naman. pero nakakpagod na masaya. yung mga tao grabe ang gulo lalo na pag pagkain.

nung friday may mtg din. ako nagcheck ng attendance. ako tanungan ng mga tao. tumulong sa pagdistribute ng envelopes. taga lista ng mga pangalan ng mga taong wala pang ID's. wala lang. enjoy kahit ganun. haha. yun ata ang klase ng trabahong na eenjoy ko sa ngayon.

"ate gusto mo tulungan na kita, baka pagod ka na"

"hindi okay lang"

yan naman eh. may mga taong mababait talaga.. haha natuwa naman ako sa batang yun.

BIRTHDAY NI CHOPCHOP. masaya. sooobra. may kainan! malamang! haha. maasikaso yung family niya. mababait sila. si ate, si lolo, si lola, mom niya.. lahat! hehe. sarap pa ng food! grabe si lorenz ang daming nakain. heheh. oh basta yun masaya!

NASTARSTRUCK AKO. sa bahay parin ni chopchop, yun yung kaunti na lang kami.. si ate leklek, ako, si enzo at kuya doyle na lang.. tas may kumatok, nakita ko may pumasok na babae at lalaki, hindi ko lang nakita sa bintana yung mukha.. tas sabi nila "oh! ayun na pala si buboy!"

parang ako.. "sino si buboy?" eh wala parin ako sa sarili. talagang si kuya doyle ilang beses na niya akong tinanung, "okay ka lang mich?gusto mo ng tubig o kahit ano?"..tas nung makita ko si rainier, sobrang na shock ako bigla akong tumayo tas natigil ako. sobrang tumigil yung mundo ko. slow motion pa nga eh. ngek. haha! as in ang tagal kong nakatingin sa kanya na biglang natigil ako na kinuha ko yung bag ko kaaagad na ready na talaga akong umalis kanina. ayaw nga lang gumalaw ng paa ko. pakiramdam ko pa nga talaga tumigil yung lahat ng tao kanina. tas ang awkward ng moment na yun.. yikes! tas dahan dahan pa ako napaupo..

MALAY KO BA NA PINSAN PALA YUN NI CHOPCHOP???!haiiy. pag naalala ko un sobrang nahihiya ko.. dati gustong gusto ko makita yun sa personal. haha! saka ko lang nafeel yung kilig nung nasa malapit na kami sa simbahan. waaah nakitaaa ko si rainier!!!!! nakakahiya nga lang talaga yung reaction ko kanina. kung nakita ko lang yung mukha ko, malamang matatawa ako ng sobbbbraaaaa. haiy..

ROOKIES vs. ABERDEEN. hindi ko alam kung kanino akong kakampi. this time sa rookies naman. haha! sa wakas napanuod ko silang maglaro!

SA SIMBAHAN. after ng mga laro. nakagawian na naming tumambay sa labas ng simbahan pag hapon na o pag gabi na. wala lang. yun naman yun eh! sunday ang bonding time ng JD. hehe. nakakatuwang may naririnig at pinagtatawanan. masaya din may binabara at may napipikon. hehehe. sino nang susunod na may birthday???

ONLINE. habang nakikinig ng cd na binigay ni chopchop sa akin. berday niya pero ako yung may natanggap na regalo. haha! kung regalo lang ang pinbaguusapan, eto ang kwento..

bestfriend ko kausap ko kagabi. wala lang, napatawag ako sa phone niya bigla..

"o may landline naman bakit sa cellphone ka pa tumawag?"

oo nga nakakpagtaka sa isang katulad ko na gawin yun..

"ehh...rich ako eh.."

"yeah right!"

hehehe. at kung ano ano na ang napagusapan namin hanggang sa sinabi niyang..

"may sesevnteen na ako bago magpasukan"

"haha honga!"

"ui ikaw, hindi ka nagreregalo sa akin!"

"huh? nagreregalo kaya ako!"

"nung xmas niregaluhan kta ah! pinuntahan pa nga kita eh"

"anong regalo mo?"

"hindi ko na maalala!"

"hindi mo maalala?ibig sabihin wala.."

"meron nga eh!"

"wla kaya nung nasa moa tau naghahanap pa nga kaw ng ireregalo mo sa akin yung librong gusto ko yung inferno"

ayy.. oo nga pala. hehe. buko nanaman akooooo. nakalimutan koooo.

"ahh. eeh. alam mo kasi, mas importante ang PRESENCE kesa PRESENTS. biruin mo,ilang taon na akong nandito, bestfriends parin tayo.. huhu kawawa naman ako nagttyaga"

talagang may drama effect pa eh.. mehn. oo nga ngayon ko lang narealize na hindi ako pala regalo. hehe. pero generous naman ako ah? yung crush ko nga pinamimigay ko sa iba eh. ngek. ewan ko pag dating sa materyal na bagay, hindi ako.. oh ewan bahala na. hindi rin ako palasalita. kung anong maisipan ko, yun na yun. yun pa rin yun!

bayaan mo bestfriend, pag naisipan kita bigayan ng regalo. hindi naman kasi importante un eh..o basta, maghintay ka lang! hahaha!

CHOPCHOP! naaliw talaga ako kay lolo! PRETTY GIRL pala ah! haha! nga pala, aliw un kwentuhan kanina!salamat bro! o kamusta naman?pareho kaming naka yellow kanina? hahahaha!

ang bilin ni lolo: sa food brigade, wag daw pababayaan si chopchop! bantayan ko daw siya ng mabuti. utusan daw palakad lakad! wahahaha!akyat baba dapat si chopchop! lol! wahahahahah! :D

ganito ang linggo ko, masaya na nakakapagod na nakakahiya. pero okay lang.. ENJOY naman kahi papano. oh! nakakita pa ako ng artista! haha! 

 

 


 

Posted by princessamimi at 08:12 PM in on the way down | 1 broke the spell