Galing nanaman ako sa simbahan kanina. Masaya nanaman ako. hehe. Hindi ko alam ah, pero nag eenjoy talaga ako pag nasa simbahan ako. hindi kaya senyales na ito? baka nga nakatakda na talagang maglingkod ako sa Panginoon, sa kapwa ko, sa simbahan.
Ano nangyari kanina? pinag usapan ang mga dapat namin pag usapan! haha
1. Poll Watching Seminar
- May 5: 6:30pm Mass, 7:30pm seminar
2. Precinct Assignments (Pending)
3. Food Committee--> kasali ako dito kasi minor palang ako! 
-taga dala ng mga pagkain sa mga volunteers kasama ang iba pang youth kasi kami ang mga malalakas. haha. 10 yata kami
10 am RECESS
12 nn LUNCH
3 pm MERIENDA
7 pm DINNER
10 pm MIDNIGHT SNACK
4. PPCRV Tables
- Sa may entrance ng simbahan, may mga tables dun para sa mga donations ng mga tao sa pangangailangan ng PPCRV volunteers.
ang saya kanina, haha ang daming tao rumesponde.
my shift sched: 4:30-8:30 pm, pwede din siguro ako sa 11am after ng Mass.
choir sched: 10 am Mass and 11am Mass
- okay pa naman ang sched ko. sa May busy na talaga ako.pano na kaya sa pasukan.
5. Citizens Count
-ito yata yung sa mga encoder eh. hmmh. iniisip ko pa kung sasama ako dito. malamang siguro sasama ako. naku. puyatan to! magdamag sa harapan ng computer nag eencode ng mga boto.
sana lang mabilis akong mag type!
6. Commissioning of Volunteers
- May 13: 11am Mass
7. Voters Desk/ Information Desk
-Stage: sa stage ng gym sa Toro Hills Elementary School
-Cordon: para marker. haha
-Assigned members: ako ulit, tita noemi, tita fely, tita baby, tita leny,
tita lina,erlou,tita cynthia, tita bing and tita lyn.
**After meeting, mass na at nakapwesto ako sa may table sa entrance.kasama ko yung ibang mga taga youth dun at kaunting kwentuhan kasama si nikki. may new friends ako: si erlou at si merryl. wala lang. ang saya, sa simbahan pa lang marami na akong nakikilala. da best. haha.
marami na akong nasalihan na kung ano ano sa buhay ko. sa school 1 ang club ko, 2 ang org ko at busy pa ako. haha. masaya ang maging workaholic. haha! kaya nga ngayong bakasyon hindi ako sanay ng walang ginagawa eh. pero tamad ako na masipag. ay ewan. basta lagi akong may ginagawa masaya ako, may ibang bagay lang talaga kong kinakatamaran, lalo na pag hindi ko trip.
plano kong magbagong buhay:
-ibig kong sabihin.. mas dadamihan ko pa ang orgs/samahan na sasalihan ko, siyempre yung nakakabuti sa akin. para naman hindi ako nabubulok sa bahay kung hindi ko kaharap ang labada at mga pinggan na huhugasan. haha! tataba lang kasi ako pag natulog ako.marami akong makikilala at madadagdagan pa ang kaalaman ko sa buhay.
-sasali ako sa: greeters. basket watevs (yun sa simbahan pag misa!), cantor(hindi ko alam kung automatic kasama na ako pero nag cantor na ako),lector (sana kung tagalog ang misa, mas bihasa ako dito), sa wedding org(tutulong sa pag aayos ng mga kailangan sa kasal), liturgical planning(kasali ako dito dati pero dahil busy sa school umalis ako. late na din kasi nun..basta sasama ko ulit!!), hmmh. nakalimutan ko na yun iba. basta lahat sasalihan ko!
-GUSTO KO MAGING CL TEACHER NGAYON NA. gusto ko sumali sa catechist formation dapat eh, kaya lang naisip ko, paano ako magtuturo sa public schools ng catechism kung ako mismo ay may pasok sa eskuwelahan? huhuhuhu. sana kasi may summer program sila eh. gusto ko talaga maging teacher, kahit part time lang.
-may banda ako, pero hindi kami nagppractice. ay ewan. gagawan ko ng paraan yan. kasi naman pag nagyayaya sila, tinatamad ako.hehe
-never stop learning miko. haha. madami pa akong gustong matutunan sa totoo lang. gusto ko iimprove ang aking pagkanta at pag arte. nawala na ata ang talento ko sa pagsasayaw ng ballet eh. mag eensayo ako mag gitara ulit, aaralin ang mga piyesa. gusto ko matuto ng web design at kung ano ano sa computer. gusto ko matuto ng photography at ng self defense, mapalawak ang kaalaman ko sa sining at palalimin ang aking wikang filipino at wikang hapon. lol.
-ah basta, magtuturo ako!! kahit mag end up ako sa pagiging nagosyante ang makapagtayo ng sarili kumpanya, sa buhay ko kailangan makapagturo ako. kahit anong asignatura o pangaral sa buhay basta may mga tao akong maapektuhan at matulungan sa mabuting paraan masaya na ako.
*bow*
P.S
nangangapanya po. iboto niyo na ako! NOW NA. hahaha
Currently feeling: happy