August 26th, 2007

paula and miko's megatrip

august 24,2007. friday. okay so biglaan lang ito. hahaha!

dismissal time. 12:40pm after ng electives nagkita kami ni paula. tas pumunta kaming 3rd floor para hanapin si mako kasi ipapauwi ko yung mga gamit ko. eh siyempre wala ang bata kaya pumunta kami sa bamboo area at dun ko hinintay ang magaling kong kapatid. eh wala talaga, hindi nagpakita. hindi sumipot. tipong buong schedule wala na. itsura palang inis na inis na sa akin ang aking bestfriend. halatang gusto na niya akong patayin. nagbihis na kami at lahat na tas sabi ko punta kami sa college para kunin un refund ko. oh basta yun nalang pera ko pang-gimik sana kasi gagamitin ko sa ibang bagay yung pera ko.

sa college cashier. grabe. pingamukha akong tanga ng miriam college. ang tagal tagal na kaya nung refund request na yun tipong june pa tapos hanggang ngayon hindi pa binibigay sa akin. sobrang ewan. nag iinit ako sa inis. tipong sasabog na. ilang beses na kasi akong pabalik balik dun tipong napupunta lang sa wala yung pagod ko. sana naman kasi magbigay sila ng malinaw na instructions para naman hindi kami nagmumukhang ewan na pabalik balik dun. tsk. whoooh if i know ayaw lang nila ibalik yun eh. maliit lang na halaga, 2 months ang pagpapalakad dun. o baka naman hindi nila nagagawa yung trabaho nila? bakit ang tagal? okay. bakit nga? wala akong pinaparating na masama. opinion lang talaga.

commute-tation. pauso ng salita. palabas ng miriam, dumaan kami sa blue na overpass at yun nga nagrereklamo na sa akin ang akin bestfriend. nag-aapoy na siya sa galit dala na rin ng inis ko sa nangyari sa amin sa loob nun! "alam mo hindi ko alam kung gusto kong magalit sayo, magpakamatay o simpleng tawanan nalang ito" sabi ni bestfriend. sabi ko na nga ba gusto niya na akong patayin sa galit sa kamalasang dala ko eh anyway. patuloy parin ang adventure. dala dala namin ang expander, algerbra book na sobrang kapal, school bag at sumakay kami ng katipunan jeep. para kaming lalayas.at akala ko naman alam ng bestfriend ko kung san kami pupunta o san ung daan. nung tinanung ko sabi ba naman "ewan bahala na." okay badtrip. bakit ako sumama sa isang taong hindi naman pala alam ang daan kung san kami patungo? ayos ah. ayun, nagtanung nalang ako sa katabi kong matanda. buti mabait at tinuro niya yung daan pero parang hindi ko yata naintindihan. hulog ng langit may binatang kasakay namin ng jeep ang lumapit at sabi "miss, papunta kayong LRT? sabay na kayo sa akin, dun din ang daan ko." naglakad kami at tinuro niya sa amin ang daan. mabait siya, may itsura din, tas okay lang. kwento siya, nagtatanung mga ganun pero wala kami sa mood ni bestfriend makipag-usap sa kanya. ang init eh. at tipong hindi ko trip makipag-usap talaga nung time na yun. edi ayun. nung malapit na kami sa may station, grabe nilabas niya yung cellphone niya hinhingi yung number namin, ako NR. walang narinig. si paula sabi "hindi ko memorize eh". haha! ano siya??? sinuswerte??? haha! pero salamat sa kanya nakarating kami sa LRT Station.

LRT. wahaha!tuwang tuwa kami nung nakarating kami s LRT. first time eh. maganda pala yun. natuwa ako kakaunti lang yung tao at tipong parang mga train station sa japan. pagbaba, nakaka aliw yung ticket machines/vendo. whatever you call it. hahah! tas basta ang cool eh. pagpasensiyahan na. tas ayun sumakay kami tas bumama. yeah! gateway naa.

Gateway. dumaan lang kami dun. naglakad tas kwentuhan. kung ano anong kwentuhan na sana mayaman at may pera kami ngayon para makapagshopping si paula. hehe. ako hindi na kailangan. hindi ako mahilig magshopping. gawain lang yun ng mga babae.

MRT Station. grabe! ang daming tao at ang haba ng pila! mahihilo ka talaga! ang tagal naming nakatayo at naghintay. halo halo ang amoy at init! ang lagkit ng feeling. sobra. eh ayun. todo nanaman ang pangangarap na sana may kotse kami at madali kaming nakarating sa mega. pero naisip din namin na mas okay din to kasi masaya naman ang adventure na hindi lang sarap ng buhay ang nararanasan namin. ang mga may kotse, hindi nila nararanasan ang ganitong adventure. boring din kasi kung kakaunti lang kayo sa kotse. eh pano kung tahimik pa. ahaha! eh sa labas. madami kang makikitang tao. madami kang maoobserbahan. basta madami. kung ako, ang pagkomyut at sumasakay sa kotse namin, sa totoo lang mas gusto ko nagkokomyut kasi madami akong nakikita. sa kotse, tulog lang ako. NR. no comment. ganun lang. sumakay kami ng tren at siksikan. ang dami tao. madaming mabaho. ganun. tas bumaba na kami sa shaw. siyempre kasi Shang ang gusto kong next stop. hahaha! eh muntik nanaman akong patayin ni Pau, kasi mas malapit daw ang mega sa ortigas station.

Shang. matagal na akong hindi pumunta dun. hahah! nakakamiss. nakakamiss lahat. namimiss ko rin yung buhay ko noon. nakakamiss ang tumambay dun at magikot-ikot. dati halos linggo linggo nandun ako na tipong ayoko na sana pumunta dun. sabi nga ni pau, maswerte daw ako. at dati nung mga bata pa kami naiinggit siya sa akin sa mga bagay ng meron ako. pero hello? sa buong buhay ko, inisip ko na kapantay lang ako ng lahat ng tao. hehehe. pero ewan ko, mahilig ako mamasyal noon pero ngayon tipong sa bahay lang, ayos na. tas kumain kami ni paula. kwentuhan at lahat na ginawa namin dun. tas pumunta na sa mega.

Mega. una sa lahat siyempre iniwan namin sa package counter yung mga gamit namin. hindi namin maeenjoy ang pag-iikot kung perwisyo ang dala dala namin. ayun. nagikot ikot kami at nangarap nanaman. hahah! ganun talaga pag magkasama kaming magbestfriend. walang humpay na pangangarap. ahahaha. ayun. napagod lang kami sa kalalakad. binisita namin ang art club. yeah. ang ganda ng mga gawa nila. ayun. lumabas kami nakakita ng artista. okay na. tas lumabas din. nag-ikot at ganun lang. tas uminom ng mango watermelon shake at tumambay lang. kinuha ni pau yung mga gamit namin sa loob ng department store at umalis na kami. walang humpay na kwentuhan. blah blah. tas punta nanamang mrt.

MRT. ganun parin. bumili ng ticket. sumakay. siksikan. madaming mabaho. daming may pawis. ang daming babaeng madakdak masyado. pero ayos lang. magulo pero masaya. natawa ako, may tumawag kay paula, si tita joy. at napasigaw siya nakakatawa kasi tinginan lahat! wahahahaha. ganun talaga ang napapala ko pag kasama ko ang bestfriend ko. expect the unexpected. bumaba kami ng trinoma.

Trinoma.umikot at lumabas. yun lang. at pareho kaming pagod. hindi yata kami nag-enjoy. enjoy kaming kasama ang isa't -isa pero sa pagod parang nawala. at may ineexpect kaming nakaka disappoint. sobrang ano yun!!! niurk. ahahaha! oh well. madaming pagkakamali. madaming natutunan.

*sa bestfriend ko. 12 years. kasama kita sa kalokohan, sa gimik, at sa lahat ng panaginip. buti napagtitiisan natin ang isa't isa. natatawa ako. kahit asar na asar ka na sa kapalpakan ko, hindi mo pa rin ako iniwan. ganun din ako sayo. kahit gustong gusto na kitang iwanan sa sobrang asar, hindi ko magawa. i love you bestfriend!!!!! hahaha! walang iwanan.

 

Posted by princessamimi at 12:31 PM in on the way down | oink oink!

August 8th, 2007

suspended class+exams+atenean

august 8, 2007. wednesday. haha! ang swerte ko naman. kagabi nilalagnat ako at ang ginaw ginaw pa. sobrang lamig. sobrang lakas ng ulan. daladalawa pa nga sweater ko tsaka kumot eh! hahaha!maaga ako natapos magreview ng economics at english tas maaga ako natulog. nagising ako mga bandang 1am kasi ang lamig talaga.. maraming nagtext sa akin pagtingin ko ng phone, may nabasa akong text pero hindi ko alam kung totoong nagtext yung taong yun o panaginip lang. haha!

kahit masama pa pakiramdam ko kanina, nagpumilit parin akong pumasok. ewan ko ba. iniisip ko kasi yung trigo, econ, english at kung ano ano. haha! at feel ko kasi may masayang mangyayari eh. kaya ayun. sa bus ni mang rene, grabe ang lamiiiig.
hahaha! tas natulog lang ako, sama ng pakiramdam ko eh. si mang rene, sa sobrang lakas ng ulan hindi na niya makita ung daanan. at ang trapik pa, ewan ko lang kung pano kami nakarating sa school ng ganun kaaga.

pagpasok sa school, diretso kami ni lizzie sa library para mag aral. si emma naman sa chapel. tas dumating na si angelique. grabe paghawak ko sa kanya ang lamig lamig niya. ako mainit.

tas tumunog ung PA. may announcement galing kay Sir Fermin.

"Attention Miriam College High School students, please proceed to the Covered Court.."

at ayun. hihintayin daw namin ang announcement ng presidente. hahaha!
dun kami sa sportscom tumambay ng friends. nakakatuwa ang aming naka class jacket. yun ang use nun! pag malamig.. dapat sinusuot.ok fastforward.

CLASSES SUSPENDED= NO EXAMS TODAY. yehes!!!! hahahahaha! yun yun eh! dapat pala hindi na talaga ako pumasok. tsktsk. dbale. ligtas ako sa econ haha!

tapos sobrang para akong nawawalang bata sa kalagitnaan ng sportscom.
WALA SI EMMA. pano ako uuwi? sa isipisip ko. wala pa naman akong cellphone.
ayun. buti nakitext ako kay joy. at nakitwag pa ako kay Kat C. ganun talaga maswerte kapag marami kang kaibigan. hehehe.

EMMA: hello? sino to?
MIKO: emma! emma!
EMMA: sino to?
MIKO: miko! asan ka?
EMMA: nasa bus na! punta ka sa MMJ!
MIKO: ha? hindi kita marinig!
EMMA: punta ka sa MMJ!

at paulit ulit lang kami. hindi ko kasi siya maintindihan. at buti nalang narinig ko MMJ. so yun. mula sportscom, pumunta ako sa 2nd Floor Caf. at hinarang ako ng guard.

Guard: San ka pupunta?
Miko: SA MMJ..
Guard: Asan special pass mo???
Miko: *ang sungit naman nitong guard na to* WALA!!
Guard: Asan special pass? *sungit talaga*
(nagmamadali na ako at baka maiwan na ako ng bus. eh ang lakas lakas ng ulan!)
Miko: WALA!!!! DUN NA AKO DADAAN ALANGAN NA SA MAY ULAN AKO DADAAN EH 
          UMMULAN NGA!!!!! *direderetso lang ako*

nakakainis kasi eh. wala nga ako payong. nagmamadali na. hindi ba nila maget na pag umuulan siyempre ang tao dadaan sa may bubong kasi ayaw mabasa. at ang lakas kasi ng ulan dbaa. may lagnat nga ako kanina tas dadaan pa ako sa ulan?
nagkakagulo na nga dun tapos ayaw pa magpadaan. mehn. ayos ah.

haha! sa init ng ulo dirediretso lang ako..pagdating ko sa MMJ, naisip ko. oo nga noh, bawal kami dito.. palabasin kaya ako. hahah! syempre naisip ko nanamang dahilan: UMUULAN. ayun. hahaha!

at buti naman pinalabas ako. paglabas ko sa gate.. nandun ung hot na atenista! hahaha! kaya lang.. hindi ko siya kilala.. ok ang labo na. ito kasi ung kwento dun sa atenistang yun.. isang araw habang hinhintay namin si manuel sa waiting shed, nagkukulitan lang kami ng busmates dun tas nakikinig ng ipod. tapos ewan ko nakatayo lang kami ni jeremai dun. tas biglang dumaan yung atenistang un, sa harap ko mismo. tas napatigil ako, tas ewan parang tumigil yung mundo. haha! amp! ang jologs pero seryoso. parang pelikula. ayun. tas nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nakasakay na siya ng kotse. ang labo nga eh. bigla kong narinig si jeremai sabi niya: "miko, ayos ka lang?". parang ako.. "ah oo naman". hahaha!
at ayun. napansin niya ung nangyari sa akin. hahaha! mehhhn. kala ko walang nakakita!!! hahahahahahahahahaahahah! tapos kanina nakita ko siya ulit.. haiiy.

tapos pag sakay sa bus, syempre kinuwento ko kay emma at kay lizzie. hahaha!
ayos! yun din yung nakita nila. ang HOT daw sabi ni lizzie. ahahaha! "ayy.. yun ba yung hot na guy na nasa may MMJ? haha.may itsura siya.." hahaha! "cute siya.. pero behave na ako" hahaha! dapat lang liz. hahaha!

kung ganito araw araw. masaya. hahahahaha!

SINO KA BA?

Posted by princessamimi at 12:43 PM in on the way down | 2 broke the spell

June 3rd, 2007

love love love

*tell that special someone how you feel, say everything you'd been holding back. no more of the stupid "next time", for that "next time" might just never come..

*never take someone for granted. hold every person close to your heart because you might wake up one day and realize that you've lost a diamond while you were too busy collecting stones

*a mom is God's love in action. He looks with her heart and feels with her eyes. a mom is the bank where her children deposit all their worries and hurt. a mom is the cement that keeps her family together and her love lasts a lifetime

*if goodbye will be the last word i have to say before i die, i won't let it be spoken. i'd rather die than to say goodbye to sa person that i don't want to forget even after death..

*nobody wants to hear this but sometimes,the person you want to be with.. is the person you're better off without

*there is a certain desperate loneliness of two parallel lines that will never meet with in the same plane

-->ito muna for now haha

Posted by princessamimi at 10:47 PM in my tragic fairytale | oink oink!

May 13th, 2007

na starstruck ako

HAPPY BIRTHDAY CHOPCHOP!!!!

maaga ako gumising. naligo. diretso simabahan. masaya pa ako eh, tas biglang si bro. sam nakita ko tas tinanung kung anong assignment ko ngayong araw, sabi ko naman may choir practice (tsaka bday ni chopchop! chibog nanaman! hehe) ayun. tas nabanggit ni ate joan yung t-shirt bakit daw hindi ko dala! ay oo nga pala!!! arghh. umalik pa tuloy ako sa bahay. grabe ang init pa namaaaan. pawis na pawis ako nun! haha!

10AM Mass. nakita ko si jamie. ang aking art staff-mate. hehe. ang laki ng pamilya nila grabe. kaya daw sila 10am nag Mass balita daw nila magaling yung choir ng ganun oras. ngek. baka balita nila un nun nandito ung alumni tuwing 1st sunday of the month! haha. oh well..okay naman ngayn. may mic na kasi kaya ayun. tingin ko naman maganda ang tunog ng choir.. hehe. ano pa? nakit ko si ate leklek kanina. malungkot siya. nabasa ko kaagad kung anong problema.. ayun. saka na kanina nung kinuwento niya, tama pala ko. haiiy. bakit ganun? may mga tao ba talagang binigyan ng kakaibang kung ano man ang tawag dun na madali mong malaman ang bagay kahit hindi sinasabi sayo?

11AM Mass. okay lang din. pero nabingi ako. tas medyo spaced out. hindi pala medyo.. wala talaga ako sa sarili ko. ang init eh. doble pa yung suot ko. yung green shirt ko tsaka ung PPCRV tshirt. yun. eh.. yung mukha ko halatang wala sa sarili. niuk kadire. ano ba yun.

akala ko ba galit ka? 

PPCRV Meeting. ang daming tao. ngek. haha. acting secretary ba ako? nagsulat ako ng mga pangalan. nagtawag ng mga tao. nagdistibute ng id. namigay ng food sa mga tao. nangolekta ng basura. hehe. ang daming gawain. naks naman. pero nakakpagod na masaya. yung mga tao grabe ang gulo lalo na pag pagkain.

nung friday may mtg din. ako nagcheck ng attendance. ako tanungan ng mga tao. tumulong sa pagdistribute ng envelopes. taga lista ng mga pangalan ng mga taong wala pang ID's. wala lang. enjoy kahit ganun. haha. yun ata ang klase ng trabahong na eenjoy ko sa ngayon.

"ate gusto mo tulungan na kita, baka pagod ka na"

"hindi okay lang"

yan naman eh. may mga taong mababait talaga.. haha natuwa naman ako sa batang yun.

BIRTHDAY NI CHOPCHOP. masaya. sooobra. may kainan! malamang! haha. maasikaso yung family niya. mababait sila. si ate, si lolo, si lola, mom niya.. lahat! hehe. sarap pa ng food! grabe si lorenz ang daming nakain. heheh. oh basta yun masaya!

NASTARSTRUCK AKO. sa bahay parin ni chopchop, yun yung kaunti na lang kami.. si ate leklek, ako, si enzo at kuya doyle na lang.. tas may kumatok, nakita ko may pumasok na babae at lalaki, hindi ko lang nakita sa bintana yung mukha.. tas sabi nila "oh! ayun na pala si buboy!"

parang ako.. "sino si buboy?" eh wala parin ako sa sarili. talagang si kuya doyle ilang beses na niya akong tinanung, "okay ka lang mich?gusto mo ng tubig o kahit ano?"..tas nung makita ko si rainier, sobrang na shock ako bigla akong tumayo tas natigil ako. sobrang tumigil yung mundo ko. slow motion pa nga eh. ngek. haha! as in ang tagal kong nakatingin sa kanya na biglang natigil ako na kinuha ko yung bag ko kaaagad na ready na talaga akong umalis kanina. ayaw nga lang gumalaw ng paa ko. pakiramdam ko pa nga talaga tumigil yung lahat ng tao kanina. tas ang awkward ng moment na yun.. yikes! tas dahan dahan pa ako napaupo..

MALAY KO BA NA PINSAN PALA YUN NI CHOPCHOP???!haiiy. pag naalala ko un sobrang nahihiya ko.. dati gustong gusto ko makita yun sa personal. haha! saka ko lang nafeel yung kilig nung nasa malapit na kami sa simbahan. waaah nakitaaa ko si rainier!!!!! nakakahiya nga lang talaga yung reaction ko kanina. kung nakita ko lang yung mukha ko, malamang matatawa ako ng sobbbbraaaaa. haiy..

ROOKIES vs. ABERDEEN. hindi ko alam kung kanino akong kakampi. this time sa rookies naman. haha! sa wakas napanuod ko silang maglaro!

SA SIMBAHAN. after ng mga laro. nakagawian na naming tumambay sa labas ng simbahan pag hapon na o pag gabi na. wala lang. yun naman yun eh! sunday ang bonding time ng JD. hehe. nakakatuwang may naririnig at pinagtatawanan. masaya din may binabara at may napipikon. hehehe. sino nang susunod na may birthday???

ONLINE. habang nakikinig ng cd na binigay ni chopchop sa akin. berday niya pero ako yung may natanggap na regalo. haha! kung regalo lang ang pinbaguusapan, eto ang kwento..

bestfriend ko kausap ko kagabi. wala lang, napatawag ako sa phone niya bigla..

"o may landline naman bakit sa cellphone ka pa tumawag?"

oo nga nakakpagtaka sa isang katulad ko na gawin yun..

"ehh...rich ako eh.."

"yeah right!"

hehehe. at kung ano ano na ang napagusapan namin hanggang sa sinabi niyang..

"may sesevnteen na ako bago magpasukan"

"haha honga!"

"ui ikaw, hindi ka nagreregalo sa akin!"

"huh? nagreregalo kaya ako!"

"nung xmas niregaluhan kta ah! pinuntahan pa nga kita eh"

"anong regalo mo?"

"hindi ko na maalala!"

"hindi mo maalala?ibig sabihin wala.."

"meron nga eh!"

"wla kaya nung nasa moa tau naghahanap pa nga kaw ng ireregalo mo sa akin yung librong gusto ko yung inferno"

ayy.. oo nga pala. hehe. buko nanaman akooooo. nakalimutan koooo.

"ahh. eeh. alam mo kasi, mas importante ang PRESENCE kesa PRESENTS. biruin mo,ilang taon na akong nandito, bestfriends parin tayo.. huhu kawawa naman ako nagttyaga"

talagang may drama effect pa eh.. mehn. oo nga ngayon ko lang narealize na hindi ako pala regalo. hehe. pero generous naman ako ah? yung crush ko nga pinamimigay ko sa iba eh. ngek. ewan ko pag dating sa materyal na bagay, hindi ako.. oh ewan bahala na. hindi rin ako palasalita. kung anong maisipan ko, yun na yun. yun pa rin yun!

bayaan mo bestfriend, pag naisipan kita bigayan ng regalo. hindi naman kasi importante un eh..o basta, maghintay ka lang! hahaha!

CHOPCHOP! naaliw talaga ako kay lolo! PRETTY GIRL pala ah! haha! nga pala, aliw un kwentuhan kanina!salamat bro! o kamusta naman?pareho kaming naka yellow kanina? hahahaha!

ang bilin ni lolo: sa food brigade, wag daw pababayaan si chopchop! bantayan ko daw siya ng mabuti. utusan daw palakad lakad! wahahaha!akyat baba dapat si chopchop! lol! wahahahahah! :D

ganito ang linggo ko, masaya na nakakapagod na nakakahiya. pero okay lang.. ENJOY naman kahi papano. oh! nakakita pa ako ng artista! haha! 

 

 


 

Posted by princessamimi at 08:12 PM in on the way down | 1 broke the spell

May 11th, 2007

kung gaano ako..

kung gaano ako ka-busy

-araw araw 1-5pm nasa admu ako para sa cet review.

-nag aaral; nagbabasa; nosebleed madalas ang vocab sa english

-summer magnificat meeting; next week. wala pang date. agenda aayusin

-PPCRV:
        ako ay isang call center agent: taga  text at tawag sa lahat ng members para iinform sila sa gaganaping meeting at commissioning. taga sulat ng pangalan ng mga volunteers sa papel at envelope. tas un mga papel ilalagay sa envelope. mga tipong ganun na paulit ulit lang. hehe. pero masaya!! :D sa eleksyon, dun ako sa information desk/voter's desk. nasa akin na nga ung listahan ng mga voters na ang surname ay nagsisimula sa letter D. food committee din ako, taga prepare ng food and taga dala sa mga volunteers.

"ayan si miko masipag yan"

"oo nga eh natawagan ba lahat?"

"opo nasa kalahati na po ako, tatapusin ko po mamaya"

"ang sipag talaga ni miko"

"maganda yan sa biodata. ilagay nio yan pag mag aaply kayo sa trabaho, PPCRV 2007"

"bigyan niyo siya ng certification"

yeah. hindi naman ako ganun kasipag.ginagawa ko lang yung mga pinapagawa sa akin. masaya ako sa ginagawa ko. sa paglilingkod at sa pagtulong. wala naman akong hinihingi na kapalit. okay na ako dito. hehe. naks. mc ang tinatak sa akin, EMPOWERED LIKE MARY TO LEAD IN SERVICE. sa wakas pag grumaduate ako ng HS alam ko na kng anong natutunan ko sa paaralang kinalakihan ko ng ilang taon. weh. ang korny na chong..oh yun na yun.

-choir: practice at pagkanta tuwing linggo. may banda na kami so madalas
           na rin ang jamming namin. hehe.

-bus jamming: sa sabado dba? hehe. text niu na lang ako kung tuloy 

pagkatapos ng eleksyon. hindi na ako magiging busy. iniisip ko pa nga sa monday kung mag aabsent ako sa school eh kasi may pasok pa! tsktsk. sana kasi wala na lang. hehe..

kung gaano ako ka-lala

-sabi ko nga nosebleed ang vocab sa ENGLISH sa sobrang lalim.

-wala pa kaming MATH subject, eh paano na lang kasi un?? nosebleed lalo. nakalimutan ko pa naman un algebra ko. 

-kung FILIPINO nalang sana lahat ng subject pwede pa. 

-ang CET kasi sana CL, MAPE, FILIPINO at SCIENCE na lang. hehe.

-ano bang course gusto ko? eh.. ewan . saka ko na lang ipopost dito.

-may listahan ako sa kuwarto kong mala dumpsite.

-kailangan ko pa ayusin. sana lang makayanan ko. haha! 

-ang tanga tanga ko. nakalimutan ko na ang blog pala ay nababasa ng kung sino sino. kasama na ang kapatid kong anooo. ayun.

-lumolobo nanaman ako. ano ba?! pumyat na kasi ako nun tas parang okay ano un? bakit ganyan??! haha.

 


wednesday

 

        PPCRV meeting ng umaga. dapat. pero hindi na natuloy dahil may problema sa simbahan. period. yun lang. kaya binigyan na lang ako ng assignment. magtawag ng members. grabe. iba iba ung klase ng taong natawagan ko. whewww. buti nalang natake ko. haha! salamat kay bea sa pagtulong sa akinnnn :D

thursday

         err. nag aral. sulat ng notes. nagbasa ng dictionary. grabe. todo na to. seryosohan. nosebleed nga lang. sobrang naantok ako sa English 3, sobrang reading comprehension at mga figures of speech san ka pa? hindi ko marinig masyado ung teacher. nakakaantok pero ayos lang. tinabi pa ako sa mga kapwa ko malalaki. pero mga lalaki katabi ko. haiiiiiy. isa lang tuloy kausap ko, ung katabi ko.

         si bea at ako. pumunta kami sa claret. sumabay siya pauwi sa akin.sobrang gutom ko kumain kami dun. haha. ang sarap ng food. mura pa. with extra rice! nanuod kami ng recital. nandun nga un dad at kapatid ni malcom. tas nag mcdo kami kasama un family. tas sobrang ewan. masaya!!! haha! nagtawag nanaman kami ni bea pgdating sa bahay. tas ayun. haha. meron pa nga bata eh, amerikana. sobrang napasabak pa ako ng ingles. eh, sabaw na ako nun. hahaha!pagkatapos. uwi na si bea. hinatid, dumaan sa simbahan dapat titignan un bata pero ang naabutan un matanda. hehe. buti na lang hindi ako pumasok!!!! wahahah! ops. sorry. mali pala ang impormasyong nahagap namin. ayun. naka witness pa kami ng action drama scene under da rain sa may tapat ng simbahan. natakot nga ako eh. ayun. oh basta un na un.

 I LOVE YOUU BEAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!! SALAMAAAAT SA HELP!!!!!!!!!!!

 

Posted by princessamimi at 11:56 AM | oink oink!

May 7th, 2007

ang bobong.. errr.

adventure ni chappie..

morning: pumuntang tutor link. ang usapan, 10pm kami magkikita ni bestie pau. pero 10:30 nagbibihis palang ako. hehe..ganun naman eh. nilakad ko ang kahabaan ng congressional para makarating dun. ang init chong! grabe. wala pa nga kong 5 mins sa labas ng bahay, napipiga na ung panyo ko ng pawis.

nakita ko si manong lito. niuk. manong talaga eh. andun parin siya sa entrance ng tutorlink.. tas pumasok na ako tas nakita si bestie pau dun. nandun din si ate divine. hehe

bus. papuntang SM. naglakad. pumila sa jeep papuntang UP. okay naman. haha masaya kasama si pau, puro kwento. pinagtripan ko nanaman ang buhay pag ibig niya. waaaa. ang sarap mang alaska. erk. okay, sa buhay ng iba lang. yung sa akin, di dapat pinag uusapan un. dahil wala ako nun. hehe. oh malaks mantrip si chappie pero pikon. unfair no? ah talagang unfair. .tas biglang na emo sa "ikaw lamang" ng silent sanctuary.. haiy. siya lang pala ung na emo hindi ako. hahaha!

UP. sa wakaaas! haiy.. naaaliw ako. oh ayun. jeep nanaman papuntang katipunan. sinamahan ko si pau sa LSC. pagkatapos, nag natio. un naman tambayan ko eh.. tas nakita ko ang mga mahal kong kaibigan! hehe. reunion ba sa bookstore! haiy mamimiss ko sila. hindi na pala kami block sayang naman..

1pm: ATENEO. kahit mainit tinahak parin ang daan. hehe. gustong gusto ko pumupuntang ADMU. maraming puno eh. okay. mababaw. pero yun lang yun.. hinanap ung ISO. tas nakita si nicole.. yes. kumpleto naaa. nakita ko rin ung kapatid kong si jeremai. kahit kelan talaga maganda kaaa. hehe.

MIRIAM. hinatid si paula. nakita ko ung tsinita koooo. na miss ko siyaaa!ang kulet. o nakita ko din si garchie. may training ung team, sabi nga niya magtrain daw ako.. sayang wala naman akong oraaas. aun.

ATENEO. balik sa ISO. grabe. nosebleed ung diagnostic exam. kung ikaw ba naman kasi, 4 na oras mo ung gawin sino bang matutuwa? wala pang break. aynako. nadalian lang ako sa science, fil at english. sa math.. eh. nakalimutan ko na kasi un. hahaha.pagkatapos, hinatid si niks sa college library. hinintay si tito ryan. nasira ung bag ko. tas umuwi naa.

MIRIAM----->UP------>SM NORTH------>STOPLIGHT.

pagbaba ko ng bus. nakita ako ni kuya bik. okay. haha. nakakatawa talaga yung taong yun. da best! haha.

"ui!"

"ui kuya!"

"san ka galing?"

"school."

"nag bus ka?"

"yes!!! hehe"

"oh? naks ang galing ahh!!!"

"oo naman!! ako pa!!! hehe"

"oh ang cute mo pa!"

"siyempre. cute talaga ako"

ayan naman eh. ang kapal talaga ng mukha ko. hehe.. 

hindi pa ako dumeretso sa bahay. nag park pa ako sinamahan ko ung mga bata.. tas nagdasal sa simbahan.

pag uwi kooo..

nakasalubong ko si ****..oh ayun. dedma kahit cute siya.

ano pa nga ba gagawin ko??? siyempre wala.

 


pag dating ko sa bahay, dun ko lang narealize na ang bobo ko pala!!!

"ang bobo kooooo!!!! argh!!!!! ang boboooooo!!!!"

 

humirit ang kapatid ko: "buti alam mo!, ako matagal na!"

pati nanay ko eh..: "oh? bobo ka pala? ngayon mo lang naisip?"

errrr. tama yan. mga hirit ang lalakas eh. engot talgaaa. hindi ako gumagamit ng common.. oh kalimutan na ngaaa!  hindi ko kasi naisip un agad eh.. kung ano na lang naisip ko un na un. wala nang dalawang isipan!

haiyyy. dumating nanaman ang kapatid kong isa. may umaaway nanaman sa akin. para nanaman akong walang kwenta sa kanya. ang liit liit na tao, higanteng kontra bida sa buhay ko. nun wala siya ng 2 linggo, masaya. tahimik ang buhay. kalmado ang lahat. ngayon natataranta. haiiiy nakoo. Ms. OLPH ka pa naman. aanhin ang ganda kung ganyan ka? eh. buti akooo, di bale mataba. mabait naman.. o maganda pa. hehe. OO na lang kayo. masaya ako ngayon eh. kahit medyo bobo nga un ginawa koo.


yun asta ko kahapon. wala un. haha. bipolar kasi umatake. haha. niuk. oooh naaaaaa. wala yun.

ah kanina, pag sakay ko sa jeep. may nakita akong kahawig ni ***.

mukhang bakla. oh forever na talaga siya bakla tingin ko. haiy..

eto listahan  ng mga gusto ko makilala:

-yung mga magagandang babae sa simbahan na kung tawagin ay mga LECTORS.

-yung makulit na bata na hindi ko kilala (kaya ng gusto ko makilala eh!)

-yung mga kaklase ko sa ISO.

-yung mga kabilang sa FANS club ko. salamat. ang kapal ko talaga.

oh yun lng. hehehe. ampp ang sayaaaa namaaan sana laging ganun!!

"oi"

"oi ka din"

"ano?"

"anong ano?"

"anong ano ano??"

"ha?"

"eh?"

"sabi mo eh!"

"ano???"

"amp namaan! ang labo mo eh!"

"sino nauna?"

"ako."

"oh?"

"wala laang."

aynakoo. childish talaga niyan hahahahahahaha

ah basta kahit ganyan. ambobo talaga ng araw ko. pero masayaa. 

 

Posted by princessamimi at 08:58 PM in on the way down | 2 broke the spell

May 6th, 2007

parang ayoko na yata

parang ayoko na yata
nakakapagod din pala ang iyong mukha

di ko kayang magalit
pag nakita na kita tumatatamis ang pait
laging pinipilit na magsungit ngunit di bale na...

parang ayoko na yata,
ngunit wala naman akong magagawa
marahil sobrang alam mong di ko kayang mawala ka
swerte ka't mahal kita, malas talaga...

parang ayoko na by parokya ni edgar


parang ayoko na yata..

hindi ko alam kung ano tong nararamdaman ko, parang.. ewan eh. ang labo. masaya naman ako pero medyo parang may kulang.. may hinahanap ako na hindi ko alam.. may gusto ako na ayoko. may hinhintay ako na parang wag nalang. may paki naman ako pero may oras na bahala ka na sa buhay mo. may mga gusto akong sabihin pero next time na lang. may gusto akong gawin pero bukas na lang.. PERO hanggang kailan yung bukas na yun?may.. sige di bale na lang. labo noh? malabo talaga.. kaya nga hindi ko magets eh. kung may magtatanong, bakit ka ba ganyan. ang sagot wala.

"parang ayaw mo na ng?"

.....

"wala"

....

okay. ano yun? malabo nga. yun na yun. hindi ko rin alam.

sabi ng nanay ko, ang labo ko. hindi ko alam kung ano ang gusto ko.

ano nga ba talagang gusto ko?

wag mo niyo nang tanungin. pare parehong linya din ang isasagot ko.

*sorry sa mga nasagasaan ko kanina, napapagod lang ako talaga.. naguguluhan.nalalabuan..


parang ayoko na yata..

paurong kasi ako eh. madali akong bumigay.. tipong "sige, wag na lang.."

para akong g@g0. seryoso. okay,

m:gusto mo siya?

a: oo eh..

m: o sige, kaw na lang..sayo na..

hiay. ano to? hehe. generous ako eh.. yeah right mikooo.

OKAY KA LANG? okay lang..

 


minsan gusto ko nang magalit sa sarili ko, pero hindi na yun mangyayari ulit. kaya ko to. pramis. baka maulit sa akin ung nangyari noon..nanghina ako kasi malungkot..hindi ko pala kaya yun

 


"pano ba kita mapapasaya?"

"ewan. malay. hindi na kailangan. ako pa. magaling ako eh"

"hmmmm.."

"??!?????!?!"

"ah basta. kailangan mapangiti kita. hindi pwdeng ganyan!di ka normal"

"kaya mo? pano?magaling ka lang sa salita eh"

"siyempre ako pa!..err.. sa paraang alam ko... mas magaling yata ako sayooo"

at nagawa nga niya. nung araw na yun,siya lang ang nakapagpangiti sa akin. nakakatuwa nga eh, hindi siya nahiya sa ginawa niya. kung ano mang kalokohan un, un ang nakakatawa! ehehe.

 


sunday ngayon: masaya tuwing sunday sabi ng choirmates ko.

 

TAMA. masaya nga..

10am at 11am - MISA. magaling ang JD. da best. nandun un alumni eh

umuwi. naglunch. nag internet. namromroblema. nalalabuan. naguguluhan..

1:30pm meeting sa simbahan

pagkatapos, kainan sa bahay nanaman. kasama ang choirmates, sila lang ang madaling mahagilap. pagkatapos ng kain, truth or dare pero sa totoo.. truth lang lahat.. first impressions.. erk

first impression sa akin:

-strikto, masungit, mahirap pakisamahan, mature, sweet, malambing.

awww.iba iba yan sa iba't ibang tao. dpende talaga sa mood ko. haha.. buti alam niyong hindi ako ganun talaga. haha!

jamming with choirmates at may banda na ang JD! yes naman..

drums- fred

guitar-kuya wil

lead guitars-kuya mel

vocals- me

bass-porky

after, diretso na sa church. at habang naghihintay sa 6:30 Mass. tambay muna. at sa sobrang walang magawa. gumawa kami ng alyas namin.

ako ang pasimuno. hehe.

kuya william- yammi

mitch- choppie; chappy

porky- chop chop, yo bob!

ate lek- sheng

kuya mel- lotskie, kurly, skie

sa sobrang tuwa ko, grabe para daw akong bata talaga.

bata naman talaga ako eh.. soobrang isip bata. hihihihi.

6:30pm Mass. yay! hehe. love ko si kuya ed eh. basta siya lahat gagawin kooo. :D baet baet kasi ni kuya ed. ayun. hihi. KUYA ED!!!!! thanks sa lahaaat!!!

 


"ui may sasabihin ako sayo"

 

"err. ha? ano?"

"may sasabihin ako sayo!"

"ha? ano?"

"may sasabihin ako sayo!"

"ha? "

nagtanung sa katabi

"anong sabi niya?"

"may sasabihin daw siya sayo mamaya!"

ahh. ang bingi ko talaga.

"oh ano na yung sasabihin mo sa akin?"

"may kilala akong may crush sayo!"

ahhh sabi ko na nga ba eto nanaman tayooo. lovelife nanaman. ano ba yan

"oh?"

oh naaa. lam ko naman kyot talaga akoo. ang kapal ko talaga.

"tinatanong nga niya kung pwede ka niya ligawan"

"........?!?!??!"

"ang sabi ko naman, hindi pwede! kay **** na yun!"

"eh?"

nakooo naman. nilaglag nanaman akooo. bakit mo naman sinabi yun??! huhuhu. anoo ba yaaaaan. oh basta. erk.. ano baaaa!!!

"ayun.."

"aaaahhhh."

oh hindi kasi ako nagpapaligaw, sorry. hanggang friends lang.

nakita daw ako nung holy week nung nag cantor akooo. ang galing ko daw..nakakagaan ng loob.. hindi kasi ako naniniwala sa kakayahan ko.. oh yun.. buti pa yun, kung sino man siya. buti pa sila.. pati sila naalala ako dahil dun..naappreciate nila yun..

haiiiy. bakit ikaw? parang wala lang ako.

oh bahala na! yun na yun..

baka sakali..mangyari din un. sa susunod. pag wala naaa

 


minsan.. naisip ko lang..

 

kung may gusto kang tao pero siympre hindi mo sinasabi kung sino siya..kunwari sasabihin mong iba yung gusto mo. o kaya naman binuko ka na nga pero pinagdiinan mo talaga na wala kang gusto dun..

paano kung ganun din siya sa iyo?malala paano kung harapang ganun kayo? pinipigilan yung nararamdaman sa isa't isa?

ang korny mehn. pero ganyan talaga..

"okay ka?"

"oo, kaw?"

"hinde.."

....

"okay ka na?"

"oo naman,kaw?"

"okay ka naman ngayon, ako.. hinde"

....

"ano nag usap na kayo?"

"oo namaaaan.."

"kamusta usapan?"

"masaya.kayo? nag usap na?"

"hinde eh..nakasimangot siya pag nakangiti ako.. siya naman nakangiti pag nakasimangot ako"

"eh? ah.. oo nalang. ang labo nio."

"hindi mukha.."


Currently feeling: confused
Posted by princessamimi at 10:53 PM | oink oink!
« Newer | »